Kasabay ng pagpatak ng ulan sa aking mga mata,
ang pagguho ng larawan mo sa aking alaala.
Bakit nga ba kailangang magkaganito?
Ang dati mong pagsuyo'y bigla na lamang naglaho.
Ang gabing ito na tila ba'y walang wakas,
waring ang umaga'y kay ilap, kay lakas.
Nanghihinang mga bisig sa iyo parin kumakapit
Nagbabakasaling muling yakapin nang kay higpit.
Ako ba'y matutuwa?
Ako ba'y magwawala?
Sa piling mo lamang ako liligaya.
Ang pira-pirasong puso dinurog, kinuyog.
Paano pa babangon sa delubyo na iyong idinulot.
At kung ito man ay pagsubok sa pag-ibig ko saiyo,
Sana'y maunawaan mong hirap na ang puso ko.
Sa mga sugat na dulot mo,
Sa pagpatak ng aking mga luha dahil sa'yo.
Anong iwas man saiyo, aking gawin,
Wasak na puso ko, ika'y sambit parin.
Nanginginig, nanlalamig,
Nalilito, nanlulumo...
Minsan pa'y ipadama mo na,
sanhi at dulot ng iyong pagkawala...
Popular Posts
-
Dear soulmate, Hindi ko alam kung nasaan ka, kung sino ka at kung saan ka nakatira. Pwedeng kahit minsan hindi pa tayo nagkikita. Pwede rin...
-
"Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing ng iyong mga matang hayop kung tumingin." Wala naman sa isip ko na makilal...
-
Lahat na yata ng bagay sa mundo ay pinapairal ng mga 'instructions'. Mula sa pagluluto ng instant noodles hanggang sa paglalaga...
-
March 17, 2011 I was eating my dinner beside the aquarium. Then he came. A face in the darkness of the night. Standing. Frozen. That big wi...
-
With our busy schedule, work, projects and all, sometimes we just want to 'break away' from all these huzz and buzz of our busy live...
-
All For Love.. Lahat para sa Pag-ibig. I always thought that Love is as easy as "I love you, and You love me." But things turn...
-
Hindi ko malilimutan ang isang 'tweet' ng isang sikat na fast food chain kung saan nagtanong ito kung sino ang mas pipiliin mo,...
-
Dear Diary of a loser soul, hear me now as I come and crawl into your womb to seek and to hide, to hide from commotions to seek for your...
-
Laya Nagtatangkang tumakbo tumakas palayo saiyo ngunit ang kadenang ito nakagapos parin sa mga paa ko. Sinubukan na ang lah...
-
The cave, quiet and mysterious, Its tracks muddy and perilous. Without the bats that give its nature, To be dark, creepy and solitary, O...
Sunday, July 13, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment