Laya
tumakas palayo saiyo
ngunit ang kadenang ito
nakagapos parin sa mga paa ko.
Sinubukan na ang lahat
upang mula saiyo'y makawala
anong mahika ba ang meron ka
sa iyo'y hindi parin makalaya.
Napapansin mo na ba?
Ako'y di na masaya.
Tigilan na ang palabas
Tayong dalawa'y naglolokohan na.
Ayoko nang magpanggap pa,
na ikaw ay mahal pa.
Tiwala ay naglaho na
tibok ng puso'y nagbago na.
Di ko nais ika'y masaktan,
Laya'y nais lang makamtan
Pagkat ako'y di na makahinga,
Nais ko lang mapag-isa.
Nais ko lang mapag-isa...

No comments:
Post a Comment