Popular Posts

Wednesday, March 11, 2015

Isang liham sa aking minamahal

Dear soulmate,
Hindi ko alam kung nasaan ka, kung sino ka at kung saan ka nakatira. Pwedeng kahit minsan hindi pa tayo nagkikita. Pwede rin naman na nagkita na tayo at nagkakilala pero hindi pa panahon para sa ating dalawa.
Maaaring, gaya ko, umibig at nasaktan ka na rin. Hindi ko alam kung sa mga panahong ito ay nagmamahal ka o nasasaktan.
Pero isa lang ang alam ko at sigurado ako. Na darating ang araw na ipakikilala ka sa akin ng Panginoon. Na lahat pala ng saya, sakit, luha at galak ay worth it. Dahil sa panahon na magkita tayo, alam na natin kung paano magpalago ng isang relasyon. Alam na natin sa mga sarili natin na handa na tayo. Na ang lahat pala ay may dahilan. Bakit tayo nasaktan noon, umasa, nagmahal, nagpatawad.  Lahat pala ng iyon ay ang mga bagay na magtuturo ng daan tungo sayo.
Wag kang bibitaw, wag kang susuko, wag kang mawawalan ng pag-asang hanapin ako. Dahil naghihintay ako sayo.. sa pagdating mo.
Hinihintay kong hingin mo ang aking kamay sa ating Ama.
Ipinagdarasal kita. Na balang araw magkikita tayo at sa pagtama ng ating mga paningin mararamdaman natin, na ang tibok ng puso mo at puso ko ay iisa. At sa pagkakataong iyon, hindi na tayo kailan man mag-iisa.


No comments:

Post a Comment