Kung tatanungin mo ang ako sa panahong lumabas ang tweet na iyon, isa lang ang isasagot ko, Syempre yung taong mahal ko! Hindi ko lubos maisip na piliin ang isang tao kaysa sa taong nagpapatibok ng aking puso. Para sa akin, kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat mapaibig lamang siya.
Lumipas ang mga taon, nagkaroon ng isang awitin na tumatalakay sa nasabing tanong.
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O, sya bang kumakatok sa puso ko
Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nalilitong litong litong lito...
Muli kong naitanong sa sarili ko kung sino ba ang pipiliin ko? Pareho pa rin ba ang isasagot ko? o mag-iiba na? Nakita ko na lamang ang sarili ko na hindi na makasagot.
Nag-iisip... nag-iisip... nag-iisip.
Nagulat ako sa aking sarili. Wow, nag-iisip na siya. Hindi na siya kagaya dati na mas pinaiiral ang puso. Naririnnig na rin niya ang kanyang isip.
Marahil, mas gugustuhin mo pa ring piliin ang taong mahal mo. Dahil handa mong ibigay ang lahat, mapasaya mo lamang ang minamahal. Napakadaling magpaubaya, magbigay, magmahal kung ito talaga ang nais ng iyong damdamin.
Sa kabilang banda, minsan mas gugustuhin mo rin namang piliin ang taong nagmamahal sayo. Yung taong mahal ka higit pa sa mahal mo sya. Yung taong hindi naghahanap ng kapalit sa lahat ng ibinibigay nya.
Hmm... nakakalito nga naman, hindi ba? Sino nga ba ang dapat piliin? Kung seseryosohin natin ito, hindi matatapos ang lathalaing isinusulat ko.
Mag-isip ng mabuti. Saan ka magiging tunay na maligaya? Kanino ka magiging masaya na walang ibang inaapakang tao at buong buo ang pagtitiwala nyo sa isa't isa.
Kung ako ang tatanungin ngayon, ang masasabi ko lang, hindi ko alam.
hindi ko pa alam...
nag-iisip... nag-iisip... nag-iisip...
No comments:
Post a Comment