Lahat
na yata ng bagay sa mundo ay pinapairal ng mga 'instructions'. Mula sa
pagluluto ng instant noodles hanggang sa paglalagay ng kyutiks sa kuko, may
sinusunod tayong 'instructions'. Pati ba naman sa usaping pag-ibig meron na
rin? E di wow! At dahil ‘tried and tested’ na ang pagiging pasaway nating mga
Pilipino pagdating sa pagsunod sa mga ‘instructions’, marami tuloy sa atin ang
sawi sa pag-ibig na tiyak ko ay napapakanta ngayon ng “where do broken hearts
go…”
Bilang
isang taong nagmahal ng bonggang bongga at nasaktan ng bonggang bonggang
bongga, narito ang pitong kautusan sa pag-ibig na natutunan ko. (drum roll
please!)
Hindi pag-angkin ang
pag-ibig.
“Akin ka lang ha?!” yan ang maling
maling paniniwala ng mga taong umiibig. Minahal ka na nga, ngayon gusto mo
naman sa’yo lang sya? Nararapat lang na kahit pumasok kayo sa isang relasyon,
nirerespeto nyo pa rin ang kalayaan ng bawat isa. Kung ang ibon nga gustong malaya,
tao pa kaya? Heler??
Magtira ng pag-ibig para
sa sarili.
“I’ll give my all…” isang linya sa
kanta ni Mariah Carey na madalas kinakanta ng isang taong umiibig. Kung narinig
mo ang boyfriend mong kumanta nyan, magduda kana. Sabi ng mga bihasa sa
pag-ibig, ibigay mo ang 100% mo sa taong mahal mo. Mali! Magtira ka ng para sa
sarili mo at para sa susunod. Mahirap isugal ang lahat ng pag-ibig mo at sa
huli iiwan ka lang na nangangapa sa dilim at hirap magsimula ulit dahil wala ng
natira sayo. Maniwala ka, naranasan ko yan.
Huwag kang T*nga!
Marami nang nagpatotoo, isa na ako
dun. Ang pag-ibig, nakakabobo minsan. Nakakat*nga madalas. Pero kung
paulit-ulit na, aba teka, mag-isip ka naman! Masaya umibig… hindi dapat ito
nababalutan ng kaunting saya at lubos na kalungkutan.
Siguraduhing ikaw ang #1.
Higit pa dun, siguraduhing walang pang numbers 2-10! Hindi
ito pila sa Health Center na may kanya kanyang number na ibibigay at hihintayin
mo nalang matawag ang numero mo! Pag-ibig ito! Pag-ibig na pinagsasaluhan dapat
ng dalawang tao lamang! Isa pa, hindi naman yata masayang magsimula ang isang
relasyon habang papatapos pa lamang ang unang relasyon, hindi ba?
Siguraduhing handa na sa
pagpasok sa isang relasyon.
Ang pag-ibig ay hindi isang laro o eksperimento. Seryosong
bagay ito. Sa bawat relasyon na pinapasok mo, nababawasan ang puso mo dahil
ibinibigay mo ang parte ng iyong puso sa iyong karelasyon. Tanungin mo ang
sarili mo kung handa ka na ba sa tinatawag nating ‘commitment’. Ano ba ang dahilan
kung bakit gusto mong pumasok sa isang relasyon? Kung gusto mo lang maglaro,
magCOC ka nalang kesa manakit ng damdamin ng iba.
Matutong umintindi.
Hindi pwedeng ako lang ng ako ang peg mo. “Ibigay mo sa’kin
ang atensyon mo!” “Alagaan mo ako!” Hello? Anong hanap mo? Baby sitter? Ang
pag-ibig ay hindi makasarili. Tandaan mo, magkaibang tao parin kayo. Intindihin
mo sya at intindihin ka rin nya. Hindi tumitigil sa feelings lang ang relasyon.
Kailangan rin ng tiwala at pagkakaintindihan.
Ang pag-ibig ay isang
desisyon.
Maraming matatanda ang nagsasabing iba na ang panahon ngayon
pagdating sa pag-ibig. Parang bubble gum na pagkatapos nguyain at mawalan ng
lasa, itatapon nalang, ganyan madalas ang nangyayari sa pag-ibig ngayon. Kapag
pumasok ka sa isang relasyon, dapat puso at isip handa ka. Walang bibitaw.
Walang susuko. Laban lang!
Ilan
lamang ito sa mga rules sa pag-ibig. Ang bawat karanasan ay may dalang
kaalaman. Paka-ingatan ang iyong puso. Magmahal ng totoo. Masaya ang buhay ng taong
in love, pero siguruhin na seryoso ka na.
www.sba.ph
www.sba.ph

No comments:
Post a Comment