Popular Posts

Saturday, September 12, 2015

Aftermath

Before
Rough roads and rolling stones
Resemble the beating of my heart.
I am a fragile glass in your cupboard
Waiting to be picked and tested.
Waiting to feel the warmth of your hands
As you gently hold me and see through my eyes.
And as I fall and hit the ground
I felt my pieces falling apart.
I heard the clattering of broken glass
Screaming pain in a void I have inside.
After
I am a mermaid waiting for a lost seafarer
Looking for a man who would stay forever
I am fond of luring him in my own music
Leading him deep within the echoes of
This breath I am breathing.
And like a fly trap to its victim, I slowly
Crush him and break him to his own desire
And pleasure.
Love is pain and joy is tears.

And this mermaid forget how to feel.

-KjDgC

"Mermaids are made from broken hearts. They choose the cold depths to harden their hearts." - Unknown

Photo courtesy of Pinterest

Monday, August 31, 2015

Spontaneous heartache

One week.
One week of desolation and cigarette-breath as my companion
Nothing but sadness echoes in the darkness of my soul - that's
searching you.
Where are you pushing through?
I am here writing blindly with tears for you
Not knowing where to stand in this love story of us.

You are the sun that warms my heart
and I...
I am the rain that poured tears in your eyes.

Remember the day you told me about the marriage of rain
and sun once in a while?
It was like you and I united one night with our love that
bounds a lifetime.

You and I.

The body heat we shared in the passenger seat
now cold and shivering in the mist.
Tonight, let us end this agony of our hearts.
Let us cross the bridge and burn it with its memory
of smoke and broken poetry.

I am giving up.

But - I miss your touch.
I need to feel your body close to mine.
Why do we need to break things up when love is
all that we ever want?
I know I fucked up things between us.

But here I am fighting for my place in your heart
and I am losing it.

Tell me, is this where our infinity ends?
I don't think I will ever come past this broken heart
you brought to life.

-kj-

#ThingsIwillneversaytoyou

artwork by Norvz Austria



Tuesday, March 17, 2015

The day I got a loser soul

March 17, 2011

I was eating my dinner beside the aquarium. Then he came. A face in the darkness of the night. Standing. Frozen. That big wild eyes... his stunning physique... Is he smiling? I took no notice. In my heart, I was longing for him. It has been a week since the last time I heard his voice or read his message on my phone. Busy. Yeah, we're both busy.

Come in. As he moved, I noticed his body glittering in the dark. He is beautiful. My ever love. My ever loving man.

Have a seat. In the light, he is handsome. My eyes ran from his hair that's growing a little longer than usual, to his edgy jaw line, deep set eyes, beautiful nose and even lips. He is my man. But his eyes seemed distant. Cold. Shivering.

I continued eating my tinapa and rice. Kilig is slowly creeping inside. I am happy. But he's not.

I... I want to be alone. I want to explore...
Shattered. Truth is tearing my heart apart. Pain engulfed my heart and soul. That was the end.

Every bit of memory of the previous week came rushing in. The unanswered phone calls, text messages, cold embrace and bitter kisses. He found someone else. I was left with nothing. Nothing but regret and self pity.

It has been four years since that day came and ruined me. That was the night I carried through me, a loser soul.


Wednesday, March 11, 2015

Isang liham sa aking minamahal

Dear soulmate,
Hindi ko alam kung nasaan ka, kung sino ka at kung saan ka nakatira. Pwedeng kahit minsan hindi pa tayo nagkikita. Pwede rin naman na nagkita na tayo at nagkakilala pero hindi pa panahon para sa ating dalawa.
Maaaring, gaya ko, umibig at nasaktan ka na rin. Hindi ko alam kung sa mga panahong ito ay nagmamahal ka o nasasaktan.
Pero isa lang ang alam ko at sigurado ako. Na darating ang araw na ipakikilala ka sa akin ng Panginoon. Na lahat pala ng saya, sakit, luha at galak ay worth it. Dahil sa panahon na magkita tayo, alam na natin kung paano magpalago ng isang relasyon. Alam na natin sa mga sarili natin na handa na tayo. Na ang lahat pala ay may dahilan. Bakit tayo nasaktan noon, umasa, nagmahal, nagpatawad.  Lahat pala ng iyon ay ang mga bagay na magtuturo ng daan tungo sayo.
Wag kang bibitaw, wag kang susuko, wag kang mawawalan ng pag-asang hanapin ako. Dahil naghihintay ako sayo.. sa pagdating mo.
Hinihintay kong hingin mo ang aking kamay sa ating Ama.
Ipinagdarasal kita. Na balang araw magkikita tayo at sa pagtama ng ating mga paningin mararamdaman natin, na ang tibok ng puso mo at puso ko ay iisa. At sa pagkakataong iyon, hindi na tayo kailan man mag-iisa.


Thursday, March 5, 2015

Pitong Kautusan sa Pag-ibig


Lahat na yata ng bagay sa mundo ay pinapairal ng mga 'instructions'. Mula sa pagluluto ng instant noodles hanggang sa paglalagay ng kyutiks sa kuko, may sinusunod tayong 'instructions'. Pati ba naman sa usaping pag-ibig meron na rin? E di wow! At dahil ‘tried and tested’ na ang pagiging pasaway nating mga Pilipino pagdating sa pagsunod sa mga ‘instructions’, marami tuloy sa atin ang sawi sa pag-ibig na tiyak ko ay napapakanta ngayon ng “where do broken hearts go…”
Bilang isang taong nagmahal ng bonggang bongga at nasaktan ng bonggang bonggang bongga, narito ang pitong kautusan sa pag-ibig na natutunan ko. (drum roll please!)

Hindi pag-angkin ang pag-ibig.
            “Akin ka lang ha?!” yan ang maling maling paniniwala ng mga taong umiibig. Minahal ka na nga, ngayon gusto mo naman sa’yo lang sya? Nararapat lang na kahit pumasok kayo sa isang relasyon, nirerespeto nyo pa rin ang kalayaan ng bawat isa. Kung ang ibon nga gustong malaya, tao pa kaya? Heler??

Magtira ng pag-ibig para sa sarili.
            “I’ll give my all…” isang linya sa kanta ni Mariah Carey na madalas kinakanta ng isang taong umiibig. Kung narinig mo ang boyfriend mong kumanta nyan, magduda kana. Sabi ng mga bihasa sa pag-ibig, ibigay mo ang 100% mo sa taong mahal mo. Mali! Magtira ka ng para sa sarili mo at para sa susunod. Mahirap isugal ang lahat ng pag-ibig mo at sa huli iiwan ka lang na nangangapa sa dilim at hirap magsimula ulit dahil wala ng natira sayo. Maniwala ka, naranasan ko yan.

Huwag kang T*nga!
            Marami nang nagpatotoo, isa na ako dun. Ang pag-ibig, nakakabobo minsan. Nakakat*nga madalas. Pero kung paulit-ulit na, aba teka, mag-isip ka naman! Masaya umibig… hindi dapat ito nababalutan ng kaunting saya at lubos na kalungkutan.

Siguraduhing ikaw ang #1.
            Higit pa dun, siguraduhing walang pang numbers 2-10! Hindi ito pila sa Health Center na may kanya kanyang number na ibibigay at hihintayin mo nalang matawag ang numero mo! Pag-ibig ito! Pag-ibig na pinagsasaluhan dapat ng dalawang tao lamang! Isa pa, hindi naman yata masayang magsimula ang isang relasyon habang papatapos pa lamang ang unang relasyon, hindi ba?

Siguraduhing handa na sa pagpasok sa isang relasyon.
            Ang pag-ibig ay hindi isang laro o eksperimento. Seryosong bagay ito. Sa bawat relasyon na pinapasok mo, nababawasan ang puso mo dahil ibinibigay mo ang parte ng iyong puso sa iyong karelasyon. Tanungin mo ang sarili mo kung handa ka na ba sa tinatawag nating ‘commitment’. Ano ba ang dahilan kung bakit gusto mong pumasok sa isang relasyon? Kung gusto mo lang maglaro, magCOC ka nalang kesa manakit ng damdamin ng iba.

Matutong umintindi.
            Hindi pwedeng ako lang ng ako ang peg mo. “Ibigay mo sa’kin ang atensyon mo!” “Alagaan mo ako!” Hello? Anong hanap mo? Baby sitter? Ang pag-ibig ay hindi makasarili. Tandaan mo, magkaibang tao parin kayo. Intindihin mo sya at intindihin ka rin nya. Hindi tumitigil sa feelings lang ang relasyon. Kailangan rin ng tiwala at pagkakaintindihan.

Ang pag-ibig ay isang desisyon.
            Maraming matatanda ang nagsasabing iba na ang panahon ngayon pagdating sa pag-ibig. Parang bubble gum na pagkatapos nguyain at mawalan ng lasa, itatapon nalang, ganyan madalas ang nangyayari sa pag-ibig ngayon. Kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat puso at isip handa ka. Walang bibitaw. Walang susuko. Laban lang!


Ilan lamang ito sa mga rules sa pag-ibig. Ang bawat karanasan ay may dalang kaalaman. Paka-ingatan ang iyong puso. Magmahal ng totoo. Masaya ang buhay ng taong in love, pero siguruhin na seryoso ka na. 

www.sba.ph




Wednesday, January 7, 2015

Sino nga ba ang dapat piliin?

     Hindi ko malilimutan ang isang 'tweet' ng isang sikat na fast food chain kung saan nagtanong ito kung sino ang mas pipiliin mo, ang mahal mo, o ang taong nagmamahal sayo?

     Kung tatanungin mo ang ako sa panahong lumabas ang tweet na iyon, isa lang ang isasagot ko, Syempre yung taong mahal ko! Hindi ko lubos maisip na piliin ang isang tao kaysa sa taong nagpapatibok ng aking puso. Para sa akin, kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat mapaibig lamang siya.

     Lumipas ang mga taon, nagkaroon ng isang awitin na tumatalakay sa nasabing tanong. 

 Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O, sya bang kumakatok sa puso ko

Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nalilitong litong litong lito...

     Muli kong naitanong sa sarili ko kung sino ba ang pipiliin ko? Pareho pa rin ba ang isasagot ko? o mag-iiba na? Nakita ko na lamang ang sarili ko na hindi na makasagot.

Nag-iisip... nag-iisip... nag-iisip.

     Nagulat ako sa aking sarili. Wow, nag-iisip na siya. Hindi na siya kagaya dati na mas pinaiiral ang puso. Naririnnig na rin niya ang kanyang isip. 

     Marahil, mas gugustuhin mo pa ring piliin ang taong mahal mo. Dahil handa mong ibigay ang lahat, mapasaya mo lamang ang minamahal. Napakadaling magpaubaya, magbigay, magmahal kung ito talaga ang nais ng iyong damdamin.

     Sa kabilang banda, minsan mas gugustuhin mo rin namang piliin ang taong nagmamahal sayo. Yung taong mahal ka higit pa sa mahal mo sya. Yung taong hindi naghahanap ng kapalit sa lahat ng ibinibigay nya.

     Hmm... nakakalito nga naman, hindi ba? Sino nga ba ang dapat piliin? Kung seseryosohin natin ito, hindi matatapos ang lathalaing isinusulat ko.

     Mag-isip ng mabuti. Saan ka magiging tunay na maligaya? Kanino ka magiging masaya na walang ibang inaapakang tao at buong buo ang pagtitiwala nyo sa isa't isa.

     Kung ako ang tatanungin ngayon, ang masasabi ko lang, hindi ko alam.

hindi ko pa alam...

nag-iisip... nag-iisip... nag-iisip... 

Wednesday, October 8, 2014

Do not swear your love to the moon, for it is ever changing

Tonight, in the sky
is a beauty in sight.
it shines so bright
to a lonesome soul,
it gives light.

Like beauty, it changes
like love, it's waning.
Love sworn to the moon,
I refuses,
Just enjoy the moment,
that I am feeling.

Kris C.