Popular Posts

Wednesday, August 13, 2014

I''d hate it when people find out what this post is about: "A Twist in this Story"


"Nitong umaga lang,
pagkalambing-lambing
ng iyong mga matang 
hayop kung tumingin."

Wala naman sa  isip ko na makilala si Christian. Isang araw na lang nakita ko ang sarili kong ngumingiti na parang wala sa sarili, at kinikilig sa kanyang mga sinasabi. Si Christian ay isang kaibigan. Matangkad, maputi, makinis ang balat, matipuno ang pangangatawan, makisig, matalino at mabait. Lahat na yata ng positive M's nasa kanya na. Impressive diba? 

"Nitong umaga lang,
Pagkagaling-galing
ng iyong sumpang
walang aawat sa atin." 

Tunay ngang hindi pumapalya ang pana ni Kupido. Ilang tulog lang, nakabuo na kami ng sariling mundo. Nagplano, nangarap, umasa... Ngunit bakit biglang lumabo? Ang aming mundo ay bigla nalamang naglaho. Tuloy minsan napapaisip ako, nahigop ba ito ng isang Black Hole?

"O kay bilis namang maglaho ng 
pag-ibig mo, Sinta...
Daig mo pa ang isang kisapmata.
Kanina'y nariyan lang, O ba't
bigla namang nawala?
Daig mo pa ang isang kisapmata"

Tatlong araw. Tatlong araw na pag-ibig. Dinaig pa namin ang Isang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin. Ang lahat ng kulay sa aming munting daigdig, bigla na lamang naging itim. Ano ang nangyari? Hindi ko rin alam. Malabo. Masakit isipin. Mahirap sagipin.

"Kani-kanina lang,
pagkaganda-ganda
ng pagkasabi mong
sana'y tayo na nga."

Sa tatlong araw na iyon, nabuo ang mga pangarap namin. Ako mismo, natutong tumingin at paghandaan ang kinabukasan. Pakiramdam ko handa na rin akong gumising sa umaga na siya ang aking laging makakasama.

"Kani-kanina lang, 
pagkasaya-saya
ng buhay kong
bigla na lamang nag-iba."

Parang isang panaginip lang ang lahat! Napakabilis ng mga pangyayari. Sa una, nagkita kami at walang pagsidlan ang tuwa sa aming mga mukha. Ang mga mata namin ay kapwa nag-uusap. Nagagalak... Nagmamahal... Humahanga.

Ilang araw din namin sinubukang sagipin ang nasisirang pag-iibigan. Ngunit minsan, sadya lang talagang tagilid pumana si Kupido. Minsan, hindi pa dapat tumama ang pana. Hindi pa napapanahon, hindi pa akma.

"Nitong umaga lang,
pagkalambing-lambing.
Nitong umaga lang,
pagkagaling-galing..."

Hindi. Mali kayo ng iniisip. Hindi ito tulad ng mga pocketbooks na binabasa ninyo o ng mga pelikulang pinanunuod ninyo. Hindi siya ang nagbago. Sa trahedyang ito, hindi lalaki ang nakasakit ng damdamin...

"Kani-kanina lang,
pagkaganda-ganda.
Kani-kanina lang,
pagkasaya-saya."

May kumatok sa aking pinto at nag-abot ng isang mensahe mula kay Christian. Nakasulat doon ang lahat ng nais niyang sabihin sa akin. Lahat-lahat. Kalakip ng kanyang liham ay isang kanta na akma sa istorya naming dalawa... na may titulong.... KISAPMATA.



"Repeat Chorus"


End


Note: I just tried to make a story out of the song. No other meanings intended. Hehe. The name 'Christian' is also fictional. Enjoy reading!  =)

2 comments:

  1. Ganun naman talaga ang cycle ng pag-ibig, ng buhay. May magpaparaya at may masasaktan. Yan ang nagpapaikot ng mundo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas masaya sana ang mundo nila kung wala nalang pain.

      Delete